"Nangyari ito sa isang sagradong lugar, sa harap ng maraming tao. Kung hindi pa tayo natatakot at nababahala, hindi ko na po alam... Wala nang ligtas kahit sino, kahit saan. Pati loob ng ating mga simbahan pinasok na ng karahasan,"
Ito ang mga binitawang salita ni Senador Bam Aquino tungkol sa pagkakapatay sa 3 religious leaders. Ayon kay Bam, ito raw ang patunay na lumalala na raw ang kultura ng "impunity" sa Pilipinas. Dahil dito maghahain daw siya ng resolusyon para imbestigahan ang peace and order sa bansa.
Kinuwestiyon din ni Bam ang pamamalakad ng DUterte Administration sa seguridad sa Pilipinas.
"Ito ba ang peace and order na pinangako ng administrasyon? Ang mga mahihirap at mga tagapagtanggol ng mga mahihirap ang nabibiktima,," hirit pa ni Bam.
Si Bam ay tatakbo muli sa pagka-senador sa 2019 elections. Ito po ang reaksyon ng mga tao sa mga komento ni Bam.
Source: Manila Bulletin
Comments
Post a Comment