Leni sa Anti-Tambay Campaign "Lisensiya para Mang-abuso!"

Bumanat na naman si Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga tambay. Sa kanyang programa sa radyo na BISErbisyong Leni, sinabi ni Robredo na ang naturang kampanya raw ay laban sa mahihirap at lisensiya umano ito para umabuso ang mga nasa kapangyarihan.

"Para kasing binibigyan ng lisensya iyong mga law enforcement na opisyal na mang-abuso. Nakita na natin itong danger nito noong kasagsagan ng anti-drug war. Inuulit na naman natin ngayon,,"sabi pa ni Robredo.

Nananawagan din si Robredo sa mga abogado at mga lider ng pamayanan na maging mapagbantay sa pang-aabuso sa karapatan pangtao.

Noong Hunyo 14, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na maaring maging sanhi ng kaguluhan ang mga tambay sa lansangan kaya dapat umanong solusyunan ito.

Ito po ang ilan sa mga reaksyon sa mga pinagsasabi ni Leni.

Source: ABS-CBN | Inquirer

Comments