Pastor Saycon 'Nagagamit ang Simbahan para Pabagsakin ang Duterte Gov't!'

Ayon sa isang opisyal ng gobyerno, may posibilidad umano na nagagamit ang simbahan para pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag na ito ay sinabi ni Pastor Boy Saycon sa dayalogo sa pagitan ng ilang religious group at ng three-man team ng Duterte Government.

"Mayrong posibilidad na ganoon ang mangyari (Destabilisasyon sa Duterte Gov't) ... Well, hindi naman nanggagaling sa simbahan ang banta. Nanggaling ang banta, nangagaling diyan sa mga organisasyon na konektado kung minsan sa banyagang interes,"sabi ni Sayson.

Sabi pa ni Saycon, ayaw mangyari ng kasalukuyang pamahalaan ang sinapit ni dating Pangulong Erap Estrada kung saan natanggal ito sa kapangyarihan dahil sa pangingialam ng simbahan.

"Things went into a very bad situation that caused the removal of Erap from his office so ayaw natin mangyari ang ganoong klaseng pangyayari,"dagdag pa ni Saycon.

Si Saycon, Spokesperson Harry Roque at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella ay ang mga bumubuo sa three-man team ng Duterte Administration para makipagdayalogo sa mga religious groups.

Source: INQ

Comments