Kanya-kanyang banat ngayon ang mga opposition ploiticians sa pina-igting na kampanya kontra-tambay ng Duterte Administration. Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang dahilan kung bakit daw pinaaresto ang mga tambay, hindi naman daw kasi iyon krimen.
"Ano iyong dahilan kung bakit pinapaaresto? Kasi hindi naman krimen iyong pagtatambay. Kung may krimen na ginagawa, talagang may karapatan para hulihin,"sabi ni Robredo.
Para kay Leni, kung hindi naman daw nakakaabala, hindi daw dapat arestuhin.
"Pero kung tumatambay lang, hindi iyon krimen at walang dahilan. Kung hindi naman nakakaabala sa iba, kung hindi naman gumagawa ng masama, walang dahilan para ipaaresto" dagdag pa ni Leni.
Inulan ng negatibong reaksyon ang pinagsasabi ni Leni. Ito po ang ilan sa mga tugon ng mga kababayan natin.
Source: News5
Comments
Post a Comment