VIDEO: Bagong Direktiba ni PDU30, Huliin ang mga Tambay! 'Ihulog sa Pasig!'

"My directive is, pagmag istambay-istambay, umuwi kayo. Pag hindi kayo umuwi, ihatid ko kayo jan sa opisina sa Pasig,"

Ganito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga mahilig tumambay sa lansangan. Ayon sa Pangulo, kailangan maging istrikto ang mga otoridad sa pakikitungo sa mga tatambay-tamabay dahil maaring maging perwisyo ang mga ito sa publiko.

"Yung kalsada, yung highways, we built it for the law-abiding citizens. Ang mga kriminal, ang mga durugista, they are not supposed to there. Ako na ang bahala, ilagay mo lang iyan diyan, talian mo yung kamay at ihulog ko iyan diyan sa. You be strict. Part of confronting people of who do not do nothing, just idling around, they are potential trouble for the public," sabi ng Pangulo.

Suportado naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagbabawal sa mga tambay. Ganito rin si Philippine National Police Chief Oscar Abayalde.

Positibo naman tinanggap ng ilang netizens ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News

Comments