Sa ulat ng mamamahayag na si Ted Failon sa kanyang Programang Failon Ngayon, nabunyag ang bilyon halagang proyektong Barangay Health Station (BHS) ng Department of Health (DOH) noong 2015. Sa naturang ulat, nabuking ang mga hindi pa tapos at nakatiwangwang na mga BHS. Ang ilan naman ay nakalitaw pa ang mga septic tank. Ayon pa sa Failon Ngayon Facebook page, substandard umano ang mga materyales na ginamit.
Base sa ulat ng Philstar, aabot umano sa P8.1 billion ang nailaan sa nasabing proyekto.
Ito po ang ilan larawan ng Barangay Health Stations na ipinatayo noong panahon ng Aquino Government. Kapansin-pansin ang klase ng mga materyales na ginamit sa proyekto. Ang ilang kagamitan pa ay hindi pa naikabit ng maayos.
Ikalat po natin ito mga kababayan para malaman ng mga tao ang problemang iniwan ng Aquino Government sa Duterte Administration.
Source: Failon Ngayon FB Page | ABS-CBN | Philstar
Comments
Post a Comment