"Kung anuman ang motibo ng pangulo sa kanyang ginagawa... I cannot actually telegraph his mindset. Pero malinaw naman dito na gusto niyang i-weaken, alisan yung kredibilidad ng simbahan,"
Ito ang naging pahayag ni Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee executive secretary Fr. Jerome Secillano sa panayam sa kanya sa programang Unang Hirit. Paliwanag pa ni Secillano, pag nagsalita ka daw laban sa isang tao, ibig sabihin daw nun ay gusto mo itong siraan.
Itinanggi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na inuusig niya ang simbahan. Pero iginiit ng Pangulo na nagpapanggap umano na walang kasalanan ang simbahan. Makailang ulit ng inirekomenda ni Pangulong Duterte ang librong may pamagat na "Altar of Secret", ang naturang libro naglalaman umano ng katiwalian ng simbahang Katoliko.
Source: GMA News
Comments
Post a Comment