VIDEO: Roque to Catholic Leaders 'Humingi kayo ng Kapatawaran sa Minolestiyang Kabataan'

"Sana po itong problemang ito mabigyan ng solusyon, magkaroon ng reparation, magkaroon ng pag-amin at pagpapatawad,"

Sa isang news conference sa Cagayan De Oro City, nanawagan ang MalacaƱang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na humingi na ng kapatawaran ang simbahang katolika sa mga naging biktima ng pangmomolestiya ng mga alagad ng simbahan. Ayon kay Roque, panahon na umano para maalis ang matinding hinanakit sa Simbahan dahil sa pagkakasangkot ng ng mga pari sa mga pang-aabuso.

"Para maiwasan na po ang ganitong katinding paghihinakit sa Simbahang Katolika, siguro po panahon na buksan ng Simbahang Katolika ang mga naging biktima ng pangmomolestiya, tanggapin ang reyalidad, aminin, humingi ng patawad dun sa mga naging biktima dahil ang Presidente lang po, siguro po nagiging krusada na ito ni Presidente, nagkataon 'yung isang biktima naging Presidente," sabi ni Roque.

Ito po ang mga ulat tungkol sa pagkakasangkot ng ilang pari sa pangmomolestiya.

Source: GMA News | PCOO

Comments